LGU’s pinasalamatan ng DepEd dahil sa ibinibigay na alokasyon sa kanilang Annual Budget para sa Brigada Eskwela

CAMARINES NORTE – Pinasalamatan ng Department of Education ang mga Local Government Unit sa lalawigan ng Camarines Norte na mayroong alokasyon sa kanilang Annual Budget para sa Brigada Eskwela.

Ayon kay Schools Division Superintendent Crestito Morcilla ibinibigay ng mga munisipyong ito sa mga eskwelahan sa kanilang nasasakupan ang alokasyon para sa naturang aktibidad.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Kabilang sa mga munisipyo na mayroong ordinansa para sa Brigada Eskwela ay ang Basud, Capalonga, Mercedes, Paracale, San Lorenzo Ruiz, Talisay at Vinzons.

Ayon kay Mayor Adrian Davoco ng Basud inaalam nila ang problema ng mga eskwelahan para matulungan ang mga ito.

Sinisiguro umano nilang mga Alkalde na makausap ang mga school heads para malaman ang problema dahil may iba’t- iba rin ang mga itong request.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Mababatid na naglaan ng isang milyong piso ang LGU Basud sa kanilang Annual Budget para sa Brigada Eskwela.

Gayunman, aminado ang Alkalde na hindi ito sapat para sa mga eskwelahan sa kanilang bayan.