KORONADAL CITY – NAGSASAGAWA ang local government unit o LGU Surallah sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ng donation drive para sa mga apektado ng landslide sa Maco, Davao de Oro.
Kaugnay nito, nananawagan ang LGU ng cash o in-kind donations para sa mga apektadong residente. Kabilang sa mga maaarin i-donate ay ang bigas, canned goods, tubig at mga damit. Ang mga donasyon ay maaaring i-drop off sa SMILE Office, CDIP o sa MDRRMO Surallah.
