NAGA CITY – Hindi isinasanti at pinapawalang bahala ng Lokal na Pamahalaan ng Sagñay, Camarines Sur ang posibleng epekto ng Bagyong Betty.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PCPT Mark Anthony Spaña, Deputy Chief of Police ng Sagñay Municipal Police Station sinabing nakatutok at nakabantay na sila sa mga Barangay o areas na prone sa landslide.
Ito ang Barangay Sibaguan, Bongalon at Barangay Patitinan, lalo na ang nasa Sitio Garang at Sitio Sisinta, na anumang oras ay maaaring magpa-evacuate ng mga nakatira doon.
Prone naman sa baha ang Barangay Nato at San Antonio, lalo na’t ang dalawang Spillway.
Kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), mga Barangay officials at iba pang ahensya, mas pinapalakas pa ng LGU ang koordinasyon, upang maiwasan ang anumang insidente lalo na pagdating sa mga rescue operations.
Pinag-iingat din ang mga motoristang dumadaan sa Patitinan-Tiwi Road sa ngayon kasi ay wala pang advisory na pansamantalang isara ang daan, mas mabuti pa rin aniyang maging alerto.
Sa forecast ng PAGASA Habagat ang pakakaapekto sa Camarines Sur kasunod ng bagyong Betty.