LGU Pto Diaz, magbibigay ng monetary incentive sa mga boluntaryong magsusuli ng mga napadpad o nahuling buhay na pawikan at iba pang wildlife species

Magbibigay ng monetary incentive ang Lokal na Pamahalaan ng Pto. Diaz, sa mga residente na boluntaryong magsusuli ng mga buhay na pawikan at iba pang endangered wildlife species na napapadpad sa dalampasigan o aksidenteng nahuhuli sa kanilang pangingisda.

Nakapaloob sa Municipal Ordinance No. 2023-10 na mayroong karampatang pabuya  sa sinumang makapagsusuli ng mga nasabing endangered species.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Hakbang upang mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga nanganganib nang maubos na mga lamang dagat at mga wildlife na malaki ang kapakinabangan sa pagbabalanse ng ecosystem.

Ang bayan ng Pto Diaz ang may pinakamalawak na mangrove forest o bakawan sa buong Bicol na mayroong 1,034 na ektarya na nagsisilbing tirahan ng ibat-ibang uri ng mga lamang dagat.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Nitong nakaraang taon, nakatanggap ang bayan ang P30M na halaga ng Fishery Livelihood Development Award mula sa Department of Agriculture at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa ilalim ng 2020 Masagana at Malinis na Karagatan o MMK program.