LGU Pio Duran, Albay, nais ipatawag ng ALECO para pag-usapan ang mababang boltahe ng kuryente na nakakaapekto sa supply ng tubig

LEGAZPI CITY – Nais ng lokal na pamahalaan ng Pio Duran, Albay na ipatawag ang Albay Electric Cooperative (ALECO) upang mapag-usapan na ang matagal na nilang pinoproblema na mababang boltahe ng kuryente na nakakaapekto sa supply ng tubig lalo na sa mga kabahayan.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Romulo Bulalacao, Admin Assistant 1 at OIC ng Pio Duran Water System Services, sinabi niya na dahil dito’y naghain na ng resolusyon ang Sangguniang Bayan na ipatawag ang nasabing kooperatiba.

Read More:  Love triangle eyed in Davao de Oro graduate shooting

Apektado na kasi ang mga residente dahil kahit pa sapat na ang supply ng tubig sa bayan, hindi rin magamit ang water pump upang mai-dsitribute sa mga kabahayan dahil sa mababang boltahe ng kuryente.

Read More:  Grade 10 student found carrying loaded revolver inside Iloilo school

Samantala, sinabi naman ni Bulalacao na patuloy ang ibinibigay na asistensya ng lokal na pamahalaan upang kahit papano’y maibsan ang problema ng mga residente.