LGU naga ipinatupad ang proclamation No. 60 o ang family week celebration ngayong araw

NAGA CITY – “ Umuwi sa tunay na pamilya at ipagdiwang ang Family Week “.

Ito ang binitiwang paalala ni City Vice Mayor Cecilia “nene” de Asis sa mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan kaugnay sa pag-obserba at pagdiriwang ng Family Week.

Sa kanyang mensahe sa ginawang regular na flag raising ceremony, sinabi ng Bise Alkalde ang kahalagahan ng pamilya, ng pagkakaroon masayang pamilya dahil nagkakaintindihan ang mag-asawa, nagmamahalan na nakikita ng mga anak.

Ang mga empleyado ng LGU-Naga ay maagang magsisipag-uwian, sa oras na alas tres ng hapon ay kailangan na off na ang mga ito sa trabaho para makapiling ang kani-kanilang pamilya.

Binigyang-diin ni De Asis na dapat umuwi sa tunay at lehitimong pamilya, hindi sa barkada o kung sinuman, kundi sa asawa at mga anak.

Hangad niya at ng mga kasamahang City Officials na magsama-sama ang buong pamilya ngayong araw at gawing espesyal.

Kaninang umaga ay nagkaroon na ng maikling programa sa Plaza Quezon kaugnay nito, at ngayong hapon ay magpapatuyloy ang mga programa sa isang mall sa lungsod na kung saan magkakaroon ng registration sa birth certificate, PAG-IBIG ID, National ID, Phil Health at E-Konsulta.         

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *