LGU Mercedes nag abiso sa publiko para sa Ligtas na pag-obserba sa Undas

CAMARINES NORTE – Nag abiso ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte para sa ligtas na paggunia ng Undas.

Sa official facebook page ng LGU naglatag ito ng mag safety tips.

Sa pag alis ng bahay dapat siguruhing nailigpit ang lahat ng mga mahahalagang kagamitan sa loob ng bahay at siguraduhing nakasara ng maayos  ang mga pintuan at bintana. Tiyakin  din na walang nakasaksak na appliances,  o nakabukas na tangke ng gas o gripo.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Sa sementeryo ay magdala ng mga pananggalang sa ulan lalo’t inaasahan na makakaranas ng mahiha hanggang sa katamtamang ulan ang lalawigan ngayong Undas dahil sa Shear Line.

Ipinapayao ang pagdadala ng sapat na pagkain at tubig na maiinom at magdala na rin ng lalagyan ng basura at iwasang mag iwan ng basura sa sementeryo.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Bawal magdala ng baril at matutulis na bagay katulad ng kutsilyo, icepick, balisong at iba pang katulad nito at bawal din ang anumang uri ng sugal at alak. Ipinagbabawal din ang malalakas na speaker o anumang lilikha ng ingay, ganun din ang Flamable substance gaya ng gaas, diesel at kerosene na maaring pagmulan ng sunog.