LGU-Legazpi, nakatakdang magbigay ng tulong pinansiyal sa mga lugar sa kabisayaan na sinalanta ng bagyong Odette

BNFM BICOL—Nakatakdang magpadala ng tulong pinansiyal ang pamahalaang panlungsod ng Legazpi sa mga lugar sa kabisayaan na naapektuhan at sinalanta ng bagyong Odette nitong buwan ng Disyembre ng nagdaang taon.

Ang naturang hakbang ng LGU ay bilang tugon sa apela at pakiusap ng League of Cities of the Philippines sa lahat ng mga lungsod sa bansa na matulungang bumangon mula sa naturang unos ang mga lugar sa Visayas at Mindanao na dinaanan ng malakas na bagyo.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Kaugnay nito, P1.6 million na halaga ng pondo ang ilalaan ng LGU-Legazpi bilang financial assistance na kinuha naman sa tirang budget ng lokal na pamahalaan na hindi aniya nagalaw sapagkat hindi naman dinaanan ng matinding kalamidad ang lungsod nitong nagdaang taon.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Ang pagbibigay tulong na ito ng LGU-Legazpi ay bilang pagbabalik na rin ng utang na loob sa mga LGU ng ibang lugar na nagpaabot naman ng tulong tuwing may kalamidad na tumatama sa naturang lugar.###