Mas palalakasin pa ng Pamahalaang Bayan ng Irosin, Sorsogon ang kanilang trade at tourism industry.
Sa 5 year Comprehensive Development Plan o CDP, mag lulunsad ng mga programa ang LGU na magpapataas ng serbisyo ng mga business establishment partikular sa cental business district ng bayan.
Mga programang magpaparami ng tourist arrival, magpapataas ng local revenues, pagpapalakas ng skilled manpower at economic prosperity, at pagdevelop ng environmentally at socially responsible tourism sites na mag bibigay ng mas maraming trabaho, kita at opurtunidad sa kanilang mamamayan.
Gayundin ang pagsasagawa ng mga skills trainings sa pamamagitan ng Public Employment Services Office (PESO) para sa full employment sa bayan.
Binuo rin ang Policy Options at Strategies upang matugunan ang iba pang suliranin sa ibang sektor ng komunidad.
Samantala, nagsagawa naman ng feeding program, relief goods distribution, free medical at dental check- up at namahagi ng libreng tsinelas para sa mga bata ang ibat-ibang kawani ng LGU para sa mga residente ng Brgy San Isidro sa nasabing bayan.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng nagpapatuloy na ‘serbisit sa barangay ng LGU upang mailapit sa mga residente ang mga serbisyo ng gobyerno.
