LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Alkalde Gemma Ann Ongjoco ng Guinobatan Albay na magsasagawa ngayon araw ng pagbabakuna ang Rural Health Unit (RHU) sa Barangay Sinungtan at Quibongbongan ng nasabing bayan.
Ayon kay Ongjoco, 18 taon gulang pataas ang kanilang target na mabakunahan para sa 1st doze at Johnsons ang ibabakuna sa mga mamamayan.
Maari naman magwalk in applicants ang nais magpabakuna na hindi residente ng nabanggit barangay.
Aabot na rin sa 60% ang full vaccinated sa bayan ngunit may mga iilan pa rin ang ayaw pang mabakunahan.
Paliwanag rin ng opisyal kung bakit hindi pa maabot ang heird immunity dahil sa nagkaroon din ng lockdown ang rural health unit, konti ang dumarating na bakuna at may mga mamamayan ang namimili ng bakuna.
Hinikayat rin nito, ang bawat residente na magpabakuna na sa mga vaccination area upang makamit na ang 70% total vaccination o heird immunity.