CAMARINES NORTE- Nakatanggap ng iba’t- ibang Solid Waste management equipment ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Capalonga, Camarines Norte mula sa Department of Environment and National Resources – Environmental Management Bureau – Region 5.
Ang mga natanggap na equipment ay Composter Machine, Biowaste Shredder at mga Personal Protective Equipment.
Ayon sa LGU, malaking tulong ang naturang mga equipment sa kanilang kampanya upang mabawasan ang basura o ‘Solid Waste Reduction’ sa ilalim ng Solid Waste Management Program.
Sa tala ng Municipal Planning and Development (MPDO), nakakapaglikha ang Capalonga ng halos 821.28 kilo ng basura araw-araw.
Sa pamamagitan ng pag-gamit ng Composter Machine, ang mga nabubulok na basura ay maaari nang gawing pataba habang ang Biowaste Shredder ay ginagamit upang mahimay-himay ang mga basura at maging recyclables raw materials.
Isa umano ito sa pangunahing hakbang upang mabawasan ang suliranin sa basura ng ating bayan.
Nagpasalamat naman si Mayor Luz Ricasio sa DENR-EMB Region 5 kasabay ang paghikayat sa bawat Capalongueños na mas maging masinop at magsagawa ng segragation ng mga basura sa kanilang tahanan bago pa man ito makolekta ng Garbage Collection Unit.
(Photos: New LGU Capalonga Fb)

