Flight ni US Vice Pres. Harris sa Vietnam naantala dahil sa “anomalous health incident”

Naantala ng ilang oras ang flight ni US Vice President Kamala Harris sa Vietnam dahil sa “anomalous health incident” na kahalintulad umano ng tinatawag na Havana syndrome.

Ayon sa report, naapektuhan ng misteryosong syndrome na ito ang ilang tao sa US embassy sa Havana noong 2016.

Read More:  Ebola cases in Congo surpass 10,000 amid worsening outbreak

Hindi naman malinaw kung sino ang apektado ng kaparehong syndrome sa Hanoi habang nasa Singapore si Harris.

Napag-alamang nangyari ang kahalintulad na insidente sa Vietnamese capital .

Read More:  Ebola death toll in Congo surpasses 5,000 amid widening outbreak

Una nang lumabas ang report na isang opisyal ang kinailangangng ma-evacuate noong weekend. Hindi naman umano ito ang unang kaso ng Havanna syndrome na nai-report sa Vietnam.