LGU at MDRRMC Daraga, naghahanda na sa posibleng paglilikas ng mga apektadong barangay dahil sa bulkan Mayon

LEGAZPI CITY – Inihahanda na ng Local Government Unit (LGU) Daraga at Municipal Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ang paglilikas ng mga residente mula sa mga apektadong barangay sakali mang itaas na ang alert level status ng bulkang Mayon.

Inorganisa na ni Mayor Awin Baldo ang mga pangangailangan at inilatag na rin ang contingency plans ng LGU sakaling magputok ang nasabing bulkan.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Ipinag-utos na rin sa MDRRMO sa pangunguna ni Alex Comia na tingnan ang nasa barangays at risk tulad ng Mi-si, Bañadero, Salvacion at Matnog upang i-activate ang kanilang BDRRMC at bisitahin ang sarili nilang contingency plans at evacuation plan.

Maliban pa rito, patuloy pa rin ang pagsagawa ng mga disaster preparedness trainings, seminars at orientation ng MDRRMO lalo na sa mga vulnerable na mga residente tulad ng senior citizens, mga bata at  estudyante upang matiyak na ang bawat opisyal maging ang mga residente ay alam ang kanilang mga gagawin sa oras na may kalamidad. Sinabi pa ng alkalde, ipinaghahanda na rin nito ang mga evacuation facilities ng lokal na gobyerno para sa posibleng paglikas ng bawat pamilya at patuloy ang pakikipagkoordinasyon sa MSWDO upang mapaghandaan ang kinakailangan na food supplies.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter