LGBTS Christian Church, wi-nelcome ang pagbasbas ng Vatican sa same-sex couples

Ikinatuwa ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender and Straight o LGBTS Christian Church Philippines ang desisyon ni Pope Francis na bigyang pahintulot ang mga paring Katoliko na magbigay ng mga basbas sa same-sex couples.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Rev. Ceejay Agbayani, Founder ng naturang simbahan ng mga LGBTS, sinabi nito na malaking hakbang ang desisyong ng Santo Papa na i-bless ang same sex para mamulat ang estado sa ganitong usapin.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Ayon kay Rev. Agbayani, kahit wala pa ang pahayag ng vatican ay marami ng mga LGBTQIA ang nagpapakasal kahit na hindi pa rin ito legal sa bansa.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Samantala, naglabas naman ng opinyon si Senator JV Ejercito sa desisyon ng Simbahang Katolika na aniya’y isa itong “bold move” bagaman kanyang nirerespito ay isa pa ring malaking usapin na dapat pag-aralang mabuti ang pagbibigay ng “full marraige” sa same sex.