Level 2 water system project sa Sitio Anonang, Brgy Homapon, Legazpi sisikaping magamit na sa Nobyembre

BICOL—Sisikapin umano ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Legazpi na mapakinabangan sa lalong madaling panahon ang ipapagawang Level 2 Water System sa Sitio Anonang, Barangay Homapon.

Ito ang naging pahayag ni Alkalde Noel Rosal sa isinagawang ground breaking ceremony ng nasabing proyekto kahapon kung saan sinabi nito na pabibilisan nila ang patrabaho upang pagdating ng Oktubre o Nobyembre ay magamit na ito ng mga residente.

Ang nasabing proyekto ay pinondohan ng P3.6 million na ayon sa alkalde mahal dahl solar powered umano ito upang hindi na maging problema ang bayarin sa kuryente, may submersible, gagamit ng elevated tank at maglalagay ng mga pipelines.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Kailangan umanong elevated tank ang gamitin upang mas maging madali ang daloy ng tubig sa mga kabahayan. Kaya umano nitong magsupply ng 50 cubic meters ng tubig kada oras.

Alinsunod sa plano, maglalagay ng mga gripo sa kada 50 metro upang mailapit sa mga kabahayan ang suplay ng tubig.

Pwede rin umano na mag usap-usap ang mga residente kung gusto nilang bumuo ng asosasyon para sa paggamit ng tubig o kung gusto nilang na i-upgrade ito sa Level 3. // VC MAYOR NOEL ROSAL //

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Maliban sa Sitio Anonang, mayroon ding kaparejong proyekto sa Taysan Resettlement area gayundin sa Barangay Banquerohan at isusunod na rin ang Barangay Imalnod.

Pagbibigay-diin ng opisyal, tubig ang problema sa mga nasabing barangay kung kaya sisikapin umano nila ang paglalagay ng area for area water system sa pamamagitan ng modern method. || SLM, with reports from BNFM Legazpi