Legazpi City Mayor Rosal, tiniyak na patuloy ang pagbibigay ng suporta sa BFP Legazpi

LEGAZPI CITY – Tiniyak ni Legazpi City Mayor Geraldine Rosal na patuloy ang pagbibigay-suporta ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa Bureau of Fire Protection (BFP) Legazpi.

Ito ang naging sentro ng mensahe ng alkalde sa isinagawang turn-over at blessing ceremnony ng 1,000 gallon hino fire truck ng LGU.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ayon kay Rosal, nais pa ng kaniyang tanggapan na madagdagan ang mga maliliit na fire trucks na kayang makalusot sa mga eskinita ng bawat barangay.

Ito umano ay dahil maraming mga barangay ang may maliliit na daanan kung kaya’t pahirapan ang pagpasok dito tuwing may mga sakuna tulad na lamang ng mga sunog.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Dagdag pa ni Rosal, upang madagdagan pa ang mga fire-substation sa lungsod ay patuloy ang pakikipagtulungan ng LGU sa isang party-list para sa kaligtasan ng bawat Legazpeño.