Legazpi City, kabilang sa top 5 sa matataas na heat index sa bansa kahapon

LEGAZPI CITY – Napasama ang Legazpi City sa listahan ng mga matataas na heat index sa bansa kahapon, batay sa ulat ng DOST-PAGASA.

Sa ulat, pang-apat ang lunsod sa listahan kung saan naitala rito kahapon ang 44 degrees Celcius na temperatura.

Read More:  ₱5.97-M ecstasy seized from Nigerian national in Pampanga drug bust

Nangunguna sa listahan ang Ambulong, Tanauan, Batangas na may 48 degrees Celcius; sinusundan ng Dipolog, Zamboanga del Norte at Sangley Point, Cavite na parehong may 45 degrees Celcius; sumunod ang Legazpi City at NAIA Pasay City sa Manila na may 44 degrees Celcius.

Read More:  Nine injured as Canlaon City booth burns at Buglasan Festival in Dumaguete

Rekomendasyon ng ahensya, maging maingat at alerto sa nararanasang init ng panahon dahil sa banta nitong magdulot ng iba’t ibang uri ng sakit o komplikasyon tulad ng ubo, sipon, lagnat o trangkaso, heat stroke at high blood.