Lebel ng tubig sa Angat Dam, babalik sa normal kung magkakaroon ng 4-5 bagyo

Babalik umano sa pagiging normal ang lebel ng tubig sa Angat Dam kung magkakaroon ng apat hanggang limang bagyo.

Ayon kay PAGASA hydrologist Richard Orendain, ang isang bagyo ay sapat lang para umangat ang lebel ng tubig sa minimum operating level na 180 meters.

Read More:  OVP’s ₱785.2 million budget passes Senate committee in 16 minutes

Ang normal high water level ng nasabing dam ay nasa 210 meters.

Read More:  Senate accepts Gerville Luistro’s apology over ‘wacky photos’

Dagdag pa ni Orendain, habang patuloy na magdadala ng mga pag-ulan ang kasalukuyang nararanasang habagat ay hindi pa rin ito sapat para tumaas ang water level ng naturang dam.