LCWD, may abiso sa mga consumer kaugnay sa kanilang maintenance activity sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – May abiso ang Legazpi City Water District (LCWD) sa mga consumer kaugnay sa mangyayaring maintenance activity sa ilang mga barangay sa lungsod ng Legazpi.

Ayon sa LCWD, ang bulk water supplier nilang PhilHydro, Inc. ay magkakaroon ng maintenance activity upang isagawa ang pagpapalit ng air terminal rods na matatagpuan sa kanilang power substation bukas.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Magsisimula ito sa ganap na alas 8:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.

Kabilang sa mga apektado ay ang Brgy. 1-41, at Brgy. 57-59.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Nag-abiso rin ang LCWD sa publiko na mag-imbak ng tubig habang isinagawa ang aktibidad.

Inaasahan ding magpapatuloy ang normal na operasyon sa planta ng PhilHydro kapag naibalik na ang suplay ng kuryente pagkatapos ng aktibidad.