Pormal nang naghain ng petisyon ang grupo ng mga abugado at law school deans sa Korte Suprema para sa ‘indirect contempt’ laban kay dating National Task Force to End Local Armed Conflict o NTF-ELCAC spokesperson Loraine Badoy.
Kasunod pa rin ito ng ginawang pangre-redtag at pagbabanta ni Badoy kay Manila Regional Trial Court Judge Marlo Magdoza-Malagar dahil sa pagbasura ng petisyon na layong ideklarang terorista ang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army.
Sa ilalim ng kanilang Urgent Petition, pinapa-indirect contempt si Badoy sa Kataastaasang Hukuman.
Pinangunahan ni Rico Domingo, datingt tagapangulo ng Philippine Bar Association ang paghahain ng petisyon.
Giit nito, may karampatang parusa ang ginawang mga pahayag ni Badoy laban sa Manila Judge.
Sakali mang lumusot at mapatunayang may sala si Badoy, maaari itong makulong ng hindi lalagpas na anim na buwan at pagmumultahin ng hindi lalagpas ng P30,000.
SC, nag-isyu ng show-cause order vs Badoy
Pinatawag na ng Korte Suprema si dating Badoy.
Nag-isyu ang Kataastaaasang Hukuman ng show-cause order para pagpaliwanagin ang dating anti-insurgency agency spokesperson kung bakit hindi ito dapat mapa-cite in contempt.
Binigyan ito ng Korte ng hanggang 30 na araw para makapagpaliwanag.
#
RELATED STORIES:
CJ Gesmundo, tiniyak na po-protektahan ang mga Judge laban sa mga banta’t pananakot
Badoy, dumipensa sa banta vs Manila Judge
Korte, binasura ang petisyon ng DOJ na pinade-deklarang mga terorista ang CPP-NPA
DOJ, hindi na aapela matapos ibasura ang petisyon re: CPP-NPA as terrorists
Pagbasura sa DOJ petition, magandang hakbang para matigil na ang red-tagging – Makabayan

