Hindi na pinalusot ng Commission on Appointments nag limang mga ‘last-minute’ appointees ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagtapos ngayong umaga ang pagdinig ng CA Committee on Constitutional Commission – ibig-sabihin, technically ay ‘bypassed’ na ang appointments ng mga ito.
Kabilang sa mga hindi pinalusot ng CA ay sina:
-Commission on Audit (CoA) chairperson Rizalina Noval Justol
-Civil Service Commission (CSC) chairperson Karlo Alexei Nograles
-Commission on Elections Chairperson Saidamen Pangarungan
-Comelec Commissioner Aimee Neri
-Comelec Commissioner George Garcia
Nangangahulugan itong nasa kamay na ni President-elect Bongbong Marcos ang magiging kapalaran ng mga appointees pagpasok ng bago nitong administrasyon.
#