Lalaking wanted sa kasong pagpatay sa lungsod ng Legazpi, arestado

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang lalaking wanted sa kasong pagpatay o Reckless Imprudence Resulting in Homicide sa lungsod ng Legazpi nito lamang nakaraang araw.

Angnsabing suspek, isang 31-anyos na lalaki, walang trabaho at residente ng PNR Site, Brgy. Peñaranda, Legazpi City.

Pinangunahan ng Legazpi City Police Station (CPS) ang pag-aresto sa suspek kung saan naaresto ito sa Purok 1, Brgy. Bagong Abre, ng parehong siyudad nito lamang ika-20 ng Hulyo, 2024.

Read More:  Authorities seize ₱105.9M in alleged smuggled cigarettes in Zamboanga del Sur

Ang pag-aresti sa suspek naisagawa sa lakas ng bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng MTCC Branch 2, Legazpi City nito lamang ika-9 ng Hulyo 2024, kung saan nahaharap ngayo ito sa kasong paglabaf sa Article 365 of the Revised Penal Code (RPC).

Read More:  SRA backs NIR-wide offensive vs. invasive sugarcane pest

Aabot naman sa P36,000 na piyansa ang inerekomenda ng korte para sakaniyang pansamantalang paglaya. Ang suspek ay kasalukuyan nang nasa kostudiya ng Legazpi CPS para sa kaniyang kaukulang disposisyon.