Lalaking nanakit umano sa kanyang ka live-in, napatay ng nag awat sa Ocampo, Camarines Sur

NAGA CITY – Nahaharap ngayon sa kasong homicide itong si alyas Joel, 37 taong gulang na taga Barangay San Jose, Oras sa Ocampo Camarines Sur matapos na mapatay niya ang lalaking kinakasama ng kanyang pinsan na babae, kahapon.

Sa ulat na inilabas ng Ocampo Municipal Police Station, napag-alaman na inaawat ng suspek na si “Joel” ang lalaki na sinasaktan umano ang sariling ka–live in na humingi ng tulong, kaya hindi nito natiis at sinuntok nito ang biktima ayon sa ulat ng PNP.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Sa panayam ng Brigada News Fm Naga kay PMAJ Ryan Bagasala, Hepe ng istasyon, sinabi niyang tinamaan sa batok ang lalaki kaya natumba ito, dinala pa sa ospital subalit deklaradong dead on arrival, nasa impluwensiya ng alak ang biktimang napatay ayon pa sa hepe.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Maganda sana ang layunin ng suspek subalit dahil sa napatay niya ito, may kaso pa rin siyang haharapin sabi pa ni Bagasala.

Kaugnay nito, mas palalakasin pa nila ang pakikipag-ugnayan sa komunidad para maiwasan ang ganitong senaryo ng awayan ng mag-asawa na nauuwi sa patayan at sa kasuhan ng mga magkaka-anak.