LALAKING MAYROONG EPILEPSY, NATAGPUANG PATAY SA ISANG BANGIN

Patay na nang matagpuan sa isang bangin sa Benguet ang isang lalaki na mayroong epilepsy.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ang lalaki ay 50-anyos at residente ng Sitio Potod, Banangan, Sablan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na naniniwala ang pamilya ng biktima na nasawi ito matapos atakihin ng kaniyang epilepsy na posibleng dahilan ng pagkahulog nito sa bangin na may lalim na 50 meter.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Isinalaysay ng anak ng nasawi na umalis ang biktima sa kanilang bahay noong June 1 at hindi na bumalik hanggang sa matagpuan na lamang ng isang laborer ang wala nang buhay na biktima sa isang bangin.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

Nanawagan naman ang pulisya sa publiko na bantayan at alagaan ang kanilang mga kamag-anak na mayroong kaparehong sakit upang hindi na maulit pa ang inidente.