Lalaking may Epilepsy, natagpuang patay

SORSOGON CITY – Patay na nang matagpuan sa palayan ang isang lalaki na may sakit na epilepsya sa Sitio Pinaric, Brgy Layog sa bayan ng Barcelona, Sorsogon.

Mismong ang anak nito na lalaki ang kumilala sa bangkay na si Erwin Asosada Briola, 42-anyos at naninirahan sa nasabing barangay.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Base sa ulat, isang residente ang nakakita sa bangkay na agad namang naireport sa himpilan ng pulisya.

Sa salaysay mismo ng anak ng biktima, posibleng inatake ng kanyang sakit na epilepsy ang kanyang ama at nahulog sa palayan na may tubig at tuluyang nalunod.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Naniniwala ang pamilya ng biktima na walang foul play na nangyari sa pagkamatay ng kanilang ama.