Lalaking inireklamo dahil sa pananakit sa kaniyang kinakasama nakuhaan din ng iligal na droga

CAMARINES NORTE- Hindi na matiis ng isang ginang sa bayan ng Paracale, Camarines Norte ang di umano’y  pisikal na pang- aabuso ng kaniyang kinakasama kaya napilitan na itong dumulog sa himpilan ng pulisya.

Biyernes ng gabi ng nagpasaklolo ang biktima sa Paracale Municipal Police Station na nagresulta sa pagkaka- aresto sa kaniyang kinakasama.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ayon sa Police report, sa mandatory search ng mga awtoridad ay nakuhaan ang 33 anyos na suspek ng tatlong pirasong pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 0.5 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php 3,400.00

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay minarkahan at inimbentaryo sa harap ng mga mandatory witness.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Dahil dito, bukod sa paglabag sa kasong Anti Violence against Women and Children Act ay mahaharap din ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nasa kustodiya ng naturang himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.