Lalaking hindi nasarapan sa kanilang ulam, sinunog ang sariling bahay

Sa tuwing kakain tayo, lagi nating inaasahan ang isang masarap na ulam na siyang nagbibigay sa atin ng kasiyahan lalo na kung na-meet nito ang ating expectation.

Mistulang ang pagkakaroon ng isang masarap na ulam ay nagpapahiwatig ng isang masarap na buhay.

Ngunit, paano na lamang kung hindi mo magustuhan ang lasa ng inihain na ulam?

Isang lalaki kasi kamakailan ang sinunog ang sariling bahay dahil sa hindi siya nasarapan sa lutong sinigang na baboy sa kanilang tahanan.

Dahil rito, natupok ng apoy ang kanilang bahay maging ang bahay ng kaniyang mga magulang at inabot naman ng mahigit P400, 000 ang halaga ng mga nadamay na ari-arian.###WENCY LISAY