Lalaking bumabatak sa Lucena City, pinagbantaan ang sariling ina; Suspek arestado

Pinagbantaang papatayin ang isang ginang ng kanyang sariling anak nang hindi niya ito bigyan ng pera sa Lungsod ng Lucena nitong Huwebes, Marso 21.

Ayon sa pulisya, bandang alas-7:00 ng umaga nang mangyari ang insidente na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na kinilalang si alyas “Alvin”, 36-anyos, residente ng Barangay Ibabang Iyam, Lucena City.

Read More:  Newly graduated man shot outside Pantukan school in Davao de Oro

Sa pahayag ng ina nito, nahuli na umano niyang gumagamit ng ilegal na droga ang kanyang anak sa kanyang kwarto at may hinala siyang gagamitin lamang nito ang perang hinihingi sa pagbili ng ipinagbabawal na gamot.

Read More:  Father, child injured in Leyte riding-in-tandem shooting

Samantala, kasalukuyang nasa kustoidiya ng ng mga awtoridad ang suspek.