Patay ang isang lalaki matapos itong tagain sa Barangay Ilayang Ilog, Lopez, Quezon nitong Linggo, Pebrero 25.
Ayon sa police report, nakaupong natutulog umano noon ang biktimang si Felix Pacito, 46-anyos, matapos ang isang inuman nang dumating ang suspek na si alyas “Manuel”, 46-anyos na armado ng bolo.
Dalawang beses umanong tinaga ni Manuel sa leeg ang biktima na naging sanhi ng pagkamatay nito.
Samantala, nadakip naman ang suspek sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad at narekober sa posesyon nito ang bolo na ginamit sa pananaga sa biktima.
Pinaniniwalaang nasa ilalim noon ng impluwensya ng alak ang suspek..
Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.