Lalaki tinaga habang natutulog sa Cuyo, Palawan

Sugat sa bahaging leeg ang tinamo ng isang 35 anyos na lalaki matapos tagain alas 2:30 ng hapon August 15, 2021 sa Barangay Funda, Cuyo Palawan.

Kinilala ang biktima na si Angelito Ariga Jabon residente ng Catbalugan City Samar habang kinilala ang suspek na si Roniel Valdez Vigonte 38 anyos, Bgy.  Rizal, Magsaysay.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Batay sa ulat ng Cuyo –PNP, pansamantalang nakaangkla ang Frabelle Fishing Corporation Vessel sa Barangay Funda Cuyo, ang suspek ay bumaba sa barko at nakipag-inuman sa labas at nang bumalik na ito ay tinungo ang Cabin Room at tinaga ang biktima habang natutulog.

Ayon sa Chief Engineer ang biktima at ang suspek ay may dati nang nagkaroon ng pagtatalo.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sinugod ang biktima sa Cuyo Dristrict Hospital para malapatan ng agarang medikasyon.

Habang ang suspek ay nasa kustodiya na ng Cuyo -PNP para sa tamang disposisyon.

Photo Credit: Palawan-PPO