Lalaki timbog sa buy- bust operation sa bayan ng Paracale

CAMARINES NORTE- Timbog ang isang lalaki sa isinagawang buy- bust operation ng mga pulis dakong alas 9: 20 ng gabi noong Sabado sa Purok Yakal A, Barangay Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si alyas “Leo”, 39 anyos, binata walang trabaho at residente ng nabanggit na lugar.

Nakuha sa operasyon ang isang maliit at isang katamtamang laki ng plastik na pakete ng hinihinalang shabu at isang Php 500.00

Read More:  Volunteer work, persistence mark Ilog man’s road to Army commission

Tinatayang umaabot sa Php 4,000.00 ang halaga ng mga nakuhang iligal na droga na may timbang na nasa isang gramo.

Ayon sa PNP, hindi biro ang ginagawang pagbabantay at pagmamanman ng mga operatiba laban sa mga nagpapakalat ng iligal na droga.

Read More:  Two Davao robbery suspects arrested at Iligan checkpoint

Kaya naman mas hinikayat nito ang publiko na makipagtulungan sa kanilang kampanya kontra iligal na droga at kriminalidad.

Nasa kustodiya ngayon ng Paracale MPS ang suspek at mga nakuhang ebedensiya para sa kaukulang disposisyon.

PHOTO: CNPPO