Lalaki, tiklo sa drug buy-bust operation sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Tiklo ang isang lalaki sa drug buy-bust operation na ikinasa sa Purok 2, Brgy. 30, Pigcale, lungsod ng Legazpi.

Kinilala ang suspek na si alyas “Joe” at residente ng nasabing barangay.

Read More:  Two farmers die in sulif ritual over land dispute in Sarangani

Nahuli ang suspek matapos nitong pagbentahan ang poseur buyer ng isang pakete ng pinaniniwalaang “shabu” sa halagang PHP1,000.

Read More:  5 NPA, underground group members surrender in Eastern Visayas

Nakarecober pa sa kanya ang kaparehong item na may timbang na humigit-kumulang sa 6 na gramo na nagkakahalagang mahigit PHP40,000.

Agad itong dinala sa Legazpi City Police Station para sa kaukulang disposisyon.