Lalaki, sugatan matapos barilin sa Candelaria, Quezon

Sugatan ang isang lalaki matapos umano itong barilin sa Barangay Mangilag Sur, Candelaria, Quezon nitong Martes, Enero 30.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon sa report, nag-uusap umano noon ang suspek at ang biktima na nauwi naman sa nasabing pamamaril.

Dahil dito, nagtamo ng pinsala sa kaliwang balikat kung kaya isinugod ito sa hospital para malapatan ng lunas.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Samantala, kasalukuyan nang inihahanda ang kaukulang reklamong Frustrated Homicide.