Karo, Nigeria—Viral at pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang lalaki sa Nigeria matapos itong magpunta ng palengke sa Karo – isang urban area sa nasabing bansa habang bitbit ang isang plaka na may nakasulat na “This man is for sale, 20 Million Naira.”
Ayon sa local news, kinilala ang lalaki sa ngalang ‘Aliyu Na Idris, 26-anyos at mahigit isang buwan na umanong nakikitang gumagala sa lungsod ng Kaduna habang suot ang isang malaking plaka na nagpapahayag na ibinebenta niya ang kanyang sarili.
Dahil walang mahanap na nais bumili sakanya, lumipat siya sa palengke ng Karo at doon nagbakasaling may bumili sakanya.
Nang tanungin ang kanyang dahilan kung bakit niya ibinebenta ang kanyang sarili, sinabi niyang ito ay dahil sa labis na kahirapan.
Kung sakali man aniyang may bumili sakanya, ibibigay niya ang 2-million sa makakahanap sakanya ng buyer; 10-million para sa kanyang magulang habang 5-million naman ang kanyang ilalaan bilang pambayad ng buwis.
Sa kasamaang palad, hindi pa man naibebenta ang kanyang sarili, dumating na ang mga otoridad para siya ay arestuhin at dinala sa isang detention center.
Samantala, hindi naman nabanggit sa balita kung ang lalaki ay mayroong mentall illness o mentally incapacitated.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol