Lalaki sa England, may instant six-pack abs na sa loob lamang ng 2 araw

Nag-viral at umani ng 247,000 likes ang isang video sa Instagram ng tattoo artist na si Dean Gunther sa Manchester, England kung saan nilagyan niya ang isang kliyente ng makatotohanang six-pack abs tattoo.

Ayon kay Gunther, dumating sa tattoo parlor niya na Colour Realism Tattoos ang hindi pinangalanang kliyente at sinabi nito na gusto nitong magkaroon ng abs pero wala siyang oras para mag-workout sa gym.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

May nakita na siyang ibang tattoo artist na gumawa nito pero hindi realistic kaya na-challenge siya na gawin ito na halos 3D at makatotohanan ang effect.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kahit inabot ng dalawang araw ang proseso dahil sa komplikadong detalye, naging worth it naman ito para sa kliyente at para na rin kay Gunther.