Lalaki, patay sa pananaksak sa Candelaria, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos umano itong saksakin sa Barangay Malabanban Sur, Candelaria, Quezon nitong Linggo, Abril 2.

Kinilala ang biktima na si Edward Morata, alyas “Buboy”, 42-anyos habang ang suspek naman ay si Elmer Comia, 32-anyos, magsasaka at pawang mga residente ng naturang bayan.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Ayon sa report, bandang alas 7:45 ng gabi umano nang magkaroon ng alitan ang biktima at ang live-in partner nito sa harap ng kanilang inuupahang bahay nito.

Sa gitna nito, kinompronta ng biktima ang suspek na malapit sa lugar, na nag-ugat sa suntukan sa pagitan ng dalawa kung saan ay doon na rin sinaksak ng suspek ang biktima.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Agad na binawian ng buhay ang biktima habang tumakas naman ang suspek dala ang armas na ginamit nito.

Kasalukuyan ng nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa insidente.