Lalaki, patay sa aksidente sa Lucban, Quezon

Patay ang isang lalaki sa aksidente sa motor sa Barangay Manasa, Lucban, Quezon nitong Miyerkules, Abril 3.

Sa imbestigasyon ng Lucban PNP, patungo umano noon sa Tayabas City ang biktima na kinilalang si “Erwin” nang mabangga umano nito ang isang kalso na naiwanan sa kalsada na naging sanhi ng kanyang pagtilapon sa kalsada.

Read More:  1,840 liters of diesel worth ₱184,000 seized in Negros Occidental
Read More:  Veteran broadcaster found dead inside parked car in Cebu City  

Samantala, idineklara ring wala ng buhay ang biktima ng kanyang attending physician.

Nagpaalala naman ang mga kapulisan na maging maingat sa pagmamaneho ng kanilang mga sasakyan.