Lalaki, naputol ang kaliwang paa matapos tumalon sa riles ng LRT-1

Balik normal na ang operasyon ng LRT-1 matapos tumalon sa riles ang isang lalaki sa bahagi ng Blumentrit station kaninang umaga.

Ayon sa Department of Transportation, bigla na lang tumalon ang lalaki sa southbound track ng LRT 1 habang paparating ang isang tren.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Nai-apply agad ng train operator ang emergency brake nang tumalon ang pasahero sa riles.

Kasunod ng insidente, ipinatupad ang provisional service mula Baclaran hanggang Central Station kaninang alas-6:12 ng umaga.

Nailigtas ng mga first responders ang pasahero mula sa ilalim ng tren kung saan nagtamo ito ng gasgas sa ulo at naputol ang kanyang kaliwang paa.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Agad siyang isinugod sa ospital at kasalukuyang nasa stable condition.

Ibinalik naman sa normal ang operasyon ng LRT 1 station mag aalas siyete kaninang umaga.