Lalaki nakaligtas sa pamamaril dahil sa kanyang suot na silver necklace

Tila nagmistulang agimat ang suot na silver necklace ng isang lalaki sa Colorado, USA.

Nasalo kasi ng kanyang kwintas ang bala ng baril na sana ay tatama sa kanyang leeg.

Base sa Post sa social media ng Commerce City Police Department, makikita ang larawan ng isang metal necklace na puno ng dugo. Nakabaon pa dito ang isang maliit na piraso ng bala ng baril.

Ayon sa mga otoridad, kung hindi tumama sa kwintas ang bala, fatal ang magiging tama ng bala sa biktima.

Nang suriin naman ng pulisya ang metal necklace, napag-alaman na hindi ito tunay at posibleng yari sa mas matigas na alloy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *