Cong TV at Viy Cortez, kasal na

Ikinasal na ang sikat na mga YouTube Vloggers na sina Cong TV at Viy Cortez, sa Muntinlupa L’Annunziata Parish Church.

Kitang kita sa Instagram post mismo ng bride na si Viy ang kanilang litrato na ikinagagalak ang kanilang pagiiisang dibdib.

Kamakailan lamang ay nangyari ang mga prenup photos na pinapaalam sa lahat na malapit na ang nasabing kasalan.

Maalalang nagsagawa rin sila ng pamamanhikan kasama ang kanilang mga pamilya ilang araw bago sila magpakasal.

Maraming mga natuwa at nagulat sa nangyaring kasalan. Ito ay mabilis na kumalat sa social media at talaga ngang perfect CongViynation, saad ng mga netizens.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *