Lalaki na umawat sa nag-aaway na mga kainuman, nasaksak!

Sugatan ang isang binata matapos siyang masaksak ng isa niyang nakainuman sa isang restaurant sa Barangay Poblacion Narra bandang alas- diyes kagabi.

Kinilala ang biktima na si Dixon Adol Ventura, 24 anyos ng Barangay Elvita habang ang suspek ay si Clint John Barrera, 22 anyos.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Sa imbestigasyon ng pulisya, napasugod sa istasyon ng PNP ang kapatid ni Dixon at doon ikinuwento ang pangyayari tungkol sa kapatid nito.

Napag-alaman sa crime scene na nag-away pala ang dalawang kainuman ng biktima na sina Clint John Barrera at si Reynaldo Cayabo habang siya’y naroon

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Inawat silang dalawa ni Dixon hanggang siya ang nasaksak ni Clint sa kaliwang braso.

Samantala, nahuli ang suspek na si Clint at narekober sa kanyang ang kutsilyong naka-disgrasya sa kaibigan.