Lalaki na aksidenteng nakalabit ang baril habang inaagaw sa asawa, patay

Nasawi ang isang lalaki matapos nitong makalabit ang gatilyo ng baril habang inaagaw ng kanyang asawa sa Alang-alang, Leyte.

Read More:  Delivery rider dies in Cebu motorcycle-dump truck crash

Ayon sa Alang-alang PNP, gusto sanang magpaputok ng baril ang nakainom na biktima pero pinigilan ito ng kanyang asawa.

Habang inaawat at inaagaw ang nasabing armas ay bigla na lamang itong pumutok at natamaan sa mukha ang biktima na siyang dahilan sa agaran nitong pagkamatay.

Read More:  NPA claims 3 civilian killings in Southern Negros in 9 days

Nakuha ng mga otoridad ang kalibre trentay-otso na baril sa lugar na pinangyarihan ng insidente.