Lalaki, huli matapos subukang i-snatch ang bag ng isang guro sa Lucena City

Huli ang isang lalaki matapos nitong subukan na tangayin ang bag ng isang guro sa Barangay 4, Lucena City nitong Martes, Abril 23.

Ayon sa report, naglalakad noon ang nasabing guro nang sumulpot sa likuran nito ang suspek at sinubukang i-snatch ang bag na naglalaman ng laptop, wallet at mga ATM cards.

Samantala, sinubukan ng biktima na wag maagaw ang kanyang bag hanggang matumba ito at makaladkad ng suspek kung saan doon na ito napansin ng mga tanod.

Agad na sinubukang tumakas ng suspek subalit naaresto rin ito ng mga awtoridad kalaunan.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *