LEGAZPI CITY – Timbog ang isang lalaki sa ikinasang gun buy bust operation sa Brgy. Tagas bayan ng Daraga, Albay.
Kinilala ang suspek na si alyas “Joel”, construction worker at residente ng Brgy. Sipi ng kaparehong bayan.
Ayon sa report, naaresto ang suspek matapos pagbentahan ng baril ang poseur buyer mula sa mga otoridad.
Nang hingian kasi kaukulang permit ang suspek ay wala naman itong naipakita na magpapatunay na legal ang baril.
Nakumpiska sa kanya aang isang unit ng loaded caliber 38 revolver at pera na nagkakahalagang PHP2,500 na ginamit bilang buy-bust money.
Nasa kustodiya na ng Daraga PNP ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Unlawful Manufacture, Importation, Sale or Disposition of Firearms.