Lalaki, arestado matapos makumpiskahan ng mahigit ₱938k halaga ng hinihinalang shabu sa Tayabas City

Arestado ang isang lalaki matapos itong makumpiskahan ng mahigit ₱938,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay Lakawan, Tayabas City nitong Miyerkules, Mayo 15.

Sa ikinasang operasyon ng awtoridad, isang poseur buyer ang nakabili ng hinihinalang shabu sa suspek na si alyas “Donato”, 55-anyos, na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Tinatayang nasa 46 na gramo ang timbang ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa suspek.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.