2 lalaki, dumayo pa ng ibang munisipyo para magbenta ng shabu – arestado

Arestado ang dalawang lalaki na sina Renil Gani Balaw, 33-anyos at Julaide Sali Kilong, 42- anyos sa Drug Buy Bust Operation sa Purok Sampaguita, Brgy. 3, Roxas, Palawan bandang alas-nuwebe kagabi, Ika-15 ng Mayo.

Ang mga ito ay mga taga- Brgy. Pulot, Sofronio Española, Palawan at dumayo lamang sa Roxas upang magbenta ng illegal drugs sa kanilang katransaksyon na isa palang pulis.

Nakuha sa mga suspek ang labing dalawa (12) na mga pakete na pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P77,000.

Samantala, himas-rehas na ang dalawang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *