Lalaki, arestado matapos buksan ang pinto ng eroplano

Isang 30-anyos na lalaki ang inaresto ng mga awtoridad matapos niyang buksan ang emergency door sa isang flight ng Asiana Airlines habang papalapag sa South Korea.

Read More:  Thousands of migrants in Spain seek asylum amid border crisis

Sa ulat ng Yonhap news agency, lumapag ang eroplano ngayong hapon sa Daegu International Airport na nakabukas ang pinto nito.

Read More:  2 dead, 1 injured after magnitude 7.7 earthquake strikes Flores, Indonesia

Ligtas naman ang 194 na mga pasahero nito ngunit marami sa kanila ang dinala sa ospital matapos makaranas ng hirap sa paghinga.

Naglunsad na ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.//CA