Lalakeng ika- anim sa Municipal Most Wanted Person sa Paracale na nahaharap sa kasong rape arestado

CAMARINES NORTE- Inaresto ng mga pulis ang isang lalakeng nahaharap sa kasong rape in relation to Republic Act 7610 o anti Child Abuse law, sa Purok 2, Brgy. Tugos, Paracale, Camarines Norte Lunes ng hapon.

Sa ulat ng Camarines Norte Police Provincial Office, kinilala ang akusado na si Epifanio Alvarez y Dohullo alyas “Kating” 44 anyos, may asawa at residente sa nabanggit na lugar.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Ginawa ang pag aresto kay Alvarez sa bisa ng dalawang warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 38 dito sa Daet noong October 2018.

Nasa kustodiya na ngayon ng Paracale Municipal Police Station ang akusado para sa kaukulang disposisyon at walang inirekomendang piyansa ang hukuman.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ang pagkakahuli sa nasabing akusado ay alinsunod sa pinaigting na kampanya ng pambansang pulisya upang madakip ang mga taong pinaghahanap ng batas.