Laguesma, tiniyak na pakikinggan ang problema ng mga mangagawa

Sisikapin ni incoming Labor secretary Benny Laguesma na pakinggan ang lahat ng hinaing ng mga manggagawa sa Pilipinas.

Sa isang panayam, sinabi ni Laguesma na tututukan ng DOLE sa ilalim ng kanyang liderato ang pagkakaroon ng mabilis na pagtugon at pagbibigay ng mga serbisyo ng Kagawaran.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Bagamat hindi nito sinabing tuluyang tatapusin ang ‘endo’ o ang end of contract, tiniyak ng returning secretary na babalansehin niya ang hinaing ng mga employer at ng mga manggagawa.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Sa huli, iginiit nitong ang pinakamahalaga pa ring solusyon sa mga labor issues ay ang paglikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Dahil dito ay susubukan umano nilang aralin ang panig ng mga mamumuhunan para makapag-generate pa ito ng mas maraming pangkabuhayan.
#