Laborer, huli sa drug buy-bust operation sa Pio Duran, Albay

LEGAZPI CITY – Tiklo ang laborer sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Purok Busilak, Brgy. Banawan, bayan ng Pio Duran, Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Peter”, 48 anyos residente ng Calle Sopot, Brgy. La Medalla ng nabanggit na bayan.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Ayon sa report, nagsagawa ng anti-illegal drugs operation ang Pio Duran MPS sa lugar laban sa nasabing suspek.

Pinagbentahan nito ang poseur buyer ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na suspected “shabu” na may timbang 15g o na nagkakahalagang mahigit PHP 1,000.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Narekober sa kanya ang nasabing item at perang ginamit bilang buy-bust money.

Ang suspek ay agad na dinala sa nasabing himpilan para sa kaukulang disposisyon.